President Donald Trump arrives to meet Philippines President Rodrigo Duterte at an ASEAN Summit dinner at the SMX Convention Center, Sunday, Nov. 12, 2017, in Manila, Philippines. (AP Photo/Andrew Harnik)

Hindi pinag-usapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at United States President (POTUS) Donald Trump ang mga diumano’y kaso ng extrajudicial killings (EJKs) sa bansa na dulot ng drug war sa kanilang sandaling pag-uusap sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Da Nang, Vietnam nitong nakaraang linggo.

Sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ng madaling araw, muling binigyang-diin ng Pangulo na hindi kinukunsinti ng bansa ang pagpatay kaninuman.

“Not extrajudicial killing. Well, he cannot afford it. We do not talk about these things because, first of all, they are not true; and the second is, we do not do it,” ani Duterte.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kumpiyansa rin ang Pangulo na hindi babanggitin ni Trump ang isyu sa kanilang bilateral talks sa Manila sa panahon ng 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

“I’m sure he will not take it up,” ani Duterte. “He is not the Human Rights Commission. So it’s only the representatives there. Because the US, like the Philippines, is run by three great departments.”

Ayon kay Duterte, nakipagkamay siya sa POTUS na paulit-ulit na nagsabi sa kanya ng “good-bye” at muli silang magkikita sa ASEAN Summit.

“See you tomorrow,” diumano’y sabi ni Trump kay Duterte sa maikli nilang pagtatagpo sa Vietnam.

Ayon kay Duterte, pinuri rin siya ni Trump sa pamamahala niya sa drug situation sa bansa at sa katatapos lamang na digmaan sa Marawi.

“And he said something about, ‘You know, you handle it very well.’ These are the things that you do not brag about: the Marawi and then the drugs,” ani Duterte. - Argyll Cyrus B. Geducos