GENERAL SANTOS CITY – Inaresto ng pulisya nitong Sabado ang isang drug surrenderer at kasama nito na umamin sa halinhinang panggagahasa at pagpatay sa walong taong gulang na babaeng nagtitinda ng balot sa Barangay Fatima sa General Santos City.

Kinilala ni Senior Insp. Fernando Manuel, hepe ng General Santos City Police Office-Station 7, ang mga dinakip na sina Mark Engkong, dating sumuko sa Oplan Tokhang; at Reymond Arquilino, 27, na kapwa suspek sa panghahalay at pagpatay sa isang mag-aaral sa Grade 2, na natagpuang patay sa isang liblib na lugar sa Bgy. Fatima. Ayon sa pulisya, Biyernes ng gabi nang iniulat ang pagkawala ng paslit, at sa follow-up operation ay ilang saksi ang nagsabing si Engkong ang huling nakita nilang kasama ng bata nang araw na iyon.

Matapos maaresto, inamin umano ni Engkong na halinhinan nilang ginahasa ni Arquilino, kasama ang isa pang hindi kinilalang lalaki, ang paslit bago pinatay ito sa pamamagitan ng pagpukpok ng bato.

Batay sa imbestigasyon, nagtitinda ng balot ang biktima malapit sa bahay ni Engkong nang isinama ito ng suspek at dinala sa isang abandonadong bahay sa Purok Labista sa Bgy. Tambler.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Naglunsad ang pulisya ng manhunt operations laban sa isa pang suspek, habang kaagad na sinampahan ng mga kasong rape at homicide sina Engkong at Arquilino, na kapwa nakapiit na sa himpilan ng Station 7 sa Bgy. Fatima. - Joseph Jubelag