Lumagda ang ASEAN at Hong Kong, China (HKC) sa free trade at investment agreements, ang ikaanim na economic deals na pinasok ng sampu-miyembrong bansa, sa layuning patatagin pa ang economic relations ng magkabilang partido.

Ang ASEAN-Hong Kong, China Free Trade Agreement (AHKFTA) at ASEAN – Hong Kong Investment Agreement (AHKIA) ay nilagdaan kahapon, Nobyembre 12, sa sidelines ng 31st ASEAN Summit and Related Meetings dito sa bansa.

Ang dalawang kasunduan ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng rehiyon na palawakin ang external economic relations para isulong ang mas malawak na oportunidad sa kalakalan para sa ASEAN Economic Community (AEC). Partikular na makikinabang dito ang micro, small at medium enterprises sa rehiyon.

“This will open more opportunities for ASEAN as we ensure greater market access for our products and sustained flow of foreign direct investments (FDI),” sabi ni Secretary Ramon Lopez, ang Chairperson ng ASEAN Economic Ministers (AEM) ngayong taon. - Bernie Cahiles-Magkilat

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'