HANOI (Reuters) – Sinabi ni U.S. President Donald Trump nitong Linggo na handa siyang pumagitna sa mga claimant sa South China Sea, kung saan limang bansa ang kumukuwestiyon sa pang-aangkin ng China sa mga teritoryo.

Nagsasalita si Trump sa Vietnam, na pinakaprangka sa pagkontra sa mga pang-aakin ng China at sa pagtatayo nito ng mga istruktura at paglalagay ng mga armas sa mga artipisyal na isla. Halos $3-trilyong kalakal ang dumaraan sa karagatang ito taun-taon.

“If I can help mediate or arbitrate, please let me know,” ani Trump sa pakikipagpulong sa Hanoi kay Vietnamese President Tran Dai Quang.

Inamin ni Trump na problema ang posisyon ng China sa South China Sea. “I‘m a very good mediator and arbitrator,” aniya.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina