Ni: Ernest Hernandez

NALUSUTAN ng San Juan Wattah Wattah ang Manila All-Stars, 83-76, para makausad sa Northern Division finals ng Metropolitan Basketball Tournament.

Maagang umabante ang Manila, ngunit nakabawi ang San Juan, sa pangunguna ni King Genrey Astrero na tumipa ng 16 puntos para sandigan ang Wattah Wattah.

Magkasunod na three-pointer ni John Kenneth Zamora ang nagselyo sa panalo ng San Juan.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nanguna si Julian Lugo sa San Juan sa natipang 19 puntos at walong rebounds, habang kumabig si Astrero ng 16 puntos at 13 rebounds.

Kumubra si Bryan Santos ng 19 puntos para sa Manila.

Ginapi naman ng MMDA Black Beret ang Las Pinas Home Defenders, 90-79, para makopo ang slots sa Southern Division Finals.

Umarangkada ang Black Berets sa pinakamalaking bentahe na 35 puntos na nagging puhunan para sa dominanteng panalo.

Hataw si Steven Andres sa MMDA sa naiskor na 23 puntos at 11 assists, habang kumana si Jeremy Deles ng 18 puntos.

Nanguna si Kim Aurin sa Las Pinas sa nakubrang 21 puntos.

Iskor:

MMDA Black Beret (90)– Andres 23, Deles 18, Natividad 15, Gatchalian 11, Larosa 6, Mayuyo 6, Morales 6, Afuang 3, Jalandoni 2, Aglibut 0, Jimenez 0, Lambarte 0, Morales 0, Ormillo 0, Santos.

Las Pinas Home Defenders (79) – Aurin 21, Charcos 20, Tongco 11, Tiburcio 8, Jimenez 7, Gallardo 4, Aquiatan 3, Rante 3, Peralta 2, Agbayani 0, Bantayan 0, Barnachea 0, Coloma 0, Salvador 0.

Quarter scores: 23-17, 52-21, 72-44, 90-79.

(Ikalawang Laro)

San Juan WattahWattah(83) – Lugo 19, Astrero 16, Acol 13, Munsayac 9, De Guzman 8, Zamora 8, Nepomuceno 6, Huit 2, , Montero 2, Danas 0, Descarga 0, Desilos 0, Lazaro 0, Sandrino 0, Zapanta 0.

Manila All-Stars (76) – Santos 19, Olmoguiz 11, Matignas 0, Ramirez 9, Sultan 9, Daguro 6, Yu 6, Pancho 4, Yuic 2, Umali 1, Castillo 0, Francisco 0, Quinones 0.

Quarter scores: 11-17, 36-28, 54-56, 83-76.