Ni Gilbert Espeña

ISANG round lamang ang itinagal ni two-time Indonesian champion Oscar Raknafa matapos siyang maospital sanhi ng bigwas sa kanyang tadyang ni dating WBA interim light flyweight titlist Randy Petalcorin kahapon sa Malvern Town Hall sa Melbourne. Australia.

Halos 10 minutong nakahiga sa lona si Raknafa bago inilagay sa stretcher at isinugod sa Alfred Hospital sa hinalang nabalian ng tadyang sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan sanhi ng malakas na suntok ni Petalcorin.

Kasalukuyang IBF No. 3, WBC No. 8, at WBO No. 12 sa world rankings si Petalcorin kaya inaasahang tataas ng kanyang rating para sa buwan ng Nobyembre.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I just checked on Raknafa he will go to hospital for a check up to be safe. He is okay. Petalcorin hits like a heavyweight,” sabi ni Australian promoter Peter Maniatis sa Philboxing.com. “Randy will drop the former world champion tag in 2018 and at 25 years old I think he is the best light flyweight in the world.”

Napaganda ni Petalcorin ang kanyang rekord sa 28-2-1 win-loss-draw na may 21 pagwawagi sa knockouts at umaasang magkakaroon ng world title fight sa lalong madaling panahon.