HAWIJA, Iraq (AFP) – Nadiskubre ang mga mass grave ng 400 pinaghihinalaang biktima ng grupong Islamic State malapit sa dating kuta ng mga jihadist sa Hawija sa hilaga ng Iraq, sinabi ng regional governor nitong Sabado.

Natagpuan ang mga libingan sa military base may tatlong kilometro ang layo mula sa lungsod na ginawang “execution ground’’ ng mga jihadist, ayon kay Kirkuk Governor Rakan Said.

‘’Not less than 400 people were executed,’’ aniya, idinagdag na ang ilan sa mga bangkay ay nakasuot ng uniporme ng mga preso na hinatulan ng bitay at ang iba ay naka-sibilyan.

Napilitan ang IS na umatras sa Hawija – nasa 240 km sa hilaga ng Baghdad – nang umabante ang Iraqi forces noong Oktubre sa malawakang opensiba na nagpatalsik sa grupo sa mga sinakop nilang teritoryo simula 2014.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'