Ni: Orly L. Barcala

Kahit labag sa kalooban, ipinakulong ng isang lalaki ang sarili niyang anak na umano’y palamura at at mahilig magbanta tuwing nalalasing sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni Police Sr. Inspector Jesus Mansibang, head ng Police Community Precinct (PCP) 2, kinasuhan ng threat at alarm and scandal si Ricardo Gonzales III, 33, ng No. 5268 Star Apple, Bernanrdino Village, Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod, matapos ipakulong ni Ricardo Gonzales, Jr., 58.

Base sa ulat, himbing ang nakatatandang Gonzales nang dumating ang lasing na suspek, dakong 3:48 ng madaling araw.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Dumiretso ito sa kuwarto ng ama at ginising nang walang dahilan.

Tinanong ng biktima ang anak kung ano ang kailangan nito, ngunit bigla itong nagwala at sinabing, “P******na mo! Tatay lang kita, wala kang bilang sa akin. Kaya kitang patayin!”

Pilit umanong pinakalma ang suspek, ngunit lalo pa itong nagwala hanggang sa nagpasaklolo na ang pamilya sa PCP 2.

Sa presinto na nahimasmasan ang suspek.