Ni NITZ MIRALLES

NGAYONG Sabado ang wedding nina Erwan Heussaff at Anne Curtis sa Queenstown, New Zealand, pero wala pa ring paramdam ang bride at groom na ngayong araw na ang kanilang big day. Ang alam lang ng followers nila, ilang araw nang nasa New Zealand na ang pamilya ni Erwan.

aNNE at Erwan copy

Lumipad din patungon New Zealand sina Angel Locsin at Neil Arce at inisip ng mga nakakita ng post sa Instagram (IG) nina Angel at Neil mula sa eroplano na dadalo sila sa kasal nina Erwan at Anne.

Balitang dadalo rin sa wedding nina Erwan at Anne si Luis Manzano na isa sa closest friend ni Anne sa showbiz at kasama rin yata siya sa wedding entourage. Ibig sabihin, magkikita sina Angel at Luis at ‘pag nangyari ito, ngayon lang uli magkikita ang ex-couple after their break-up.

Mga Pagdiriwang

Tuklasin: Mga kulturang weirdo at kakaiba pero ipinagdiriwang pa rin sa mundo!

Kaya lang, wala nang ma-i-expect na drama sa pagkikita nina Angel at Luis (kung mangyayari man) dahil pareho na silang nakapag-move on after their break-up. Nauna nga lang magkaroon ng love life si Luis, pero masaya na rin si Angel sa piling ni Neil.