Ni: Reggee Bonoan

“SI Calvin (Nash Aguas) sa The Good Son ay nababaliw na at imaginary friend lang pala si Justine (Alexa Ilacad), ha-ha-ha!”

aLEXA, NASH copy copy

Ito ang mensahe sa amin ng mga kakilala naming nanonood ng serye sa ibang bansa.

Siyempre naguluhan kami kasi hindi naman baliw ang tingin namin sa character ni Nash, at higit sa lahat ay normal naman siyang nakakausap ng pamilya niya lalo na si Joseph (Joshua Garcia).

Mga Pagdiriwang

Tuklasin: Mga kulturang weirdo at kakaiba pero ipinagdiriwang pa rin sa mundo!

At ipinakilala na rin ni Calvin si Justine sa mommy niyang si Olivia (Eula Valdez), ‘yun nga lang hindi siya pabor na maging magkaibigan ang dalawa.

Ipinagtataka rin namin kung bakit walang kaibigan at hindi ipinapakita ang magulang ni Justine, so posible nga kayang imaginary friend nga siya, ano sa palagay mo, Bossing DMB?

(Ha? Bagong element ito ng Pinoy teleserye, ah. ‘Di ko masyado nasusubaybayan ang The Good Son, kailangan kong tutukan para makapagkomento ako ng maayos. --DMB)

Dagdag ng isang naka-chat namin sa nasa Milan, Italy “Hindi lang matanggap ni Eula (Olivia) na nababaliw na anak niya. At si Calvin ang pumatay kay Vittorio na anak ni Dado (Jeric Raval).”

Hala, lalo na kaming naguluhan! Sino naman si Vittorio? Parang hindi naman yata nababanggit sa kuwento o hindi lang namin nasusubaybayan ang The Good Son?

Hirit namin, paano nalamang si Calvin ang pumatay kay Vittorio o kung sinuman ito?

“Eh, kung ipinakita, eh, di tapos na istorya.”

Teka, hindi ba’t ang dapat lutasing kaso ay kung sino ang pumatay kay Victor (Albert Martinez), paano napasok si Vittorio at tapos na ang istorya kapag ni-reveal.

Hmmm, hindi kaya itong kakilala naming taga-Italy ang may katsikang imaginary friend na taga-The Good Son?

Pero nagtataka rin kami kung bakit feeling close si Dado kay Olivia at pilit na umiiwas lang ang huli kapag hinahawakan na siya. Ang iniisip naman namin ay baka anak ng driver nila si Calvin kaya ganu’n na lang ang concern ng una.

Samantala, may panibagong anggulo na naman kung sino ang suspect sa pagpatay kay Victor, si Donya Matilda (Liza Lorena) dahil ipinakita sa flashback na galit na galit siya sa manugang niya nu’ng malamang nambabae ito bukod pa sa pinalitan siya bilang presidente ng kumpanyang pag-aari ng namayapang asawa.

Naging adik kasi sa sugal si Donya Matilda kaya napabayaan ang kumpanya at si Victor ang humalili at muling nagpalago nito.

Ipinakita rin na may nakatagong lason si Donya Matilda na hindi naman klinaro kung para kanino at kung saan niya gagamitin.

Malaki ang naging utang ni Donya Matilda sa kasusugal niya kaya ang apong si Enzo (Jerome Ponce) at nadamay pa si Joseph sa pagdukot ng mga naniningil sa kanya at napilitang magbigay ng malaking halaga sina Olivia para mabawi ang mga anak nila ni Raquel (Mylene Dizon).

Anyway, curious kami kung ano ang magiging reaksiyon nina Enzo, Olivia at Donya Matilda na nagkuwento na si Joseph kay SPO1 Colmenares kung ano ang mga narinig niya habang bihag sila ng mga dumukot sa kanila.

Lalong lumalalim ang kuwento ng The Good Son, ha?