Ni: Agencé France Presse
SINABIHAN ni Pope Francis ang mga obispo, mga pari, at mga mananampalataya nitong Miyerkules na ang misa ay oras para manalangin, hindi isang oportunidad upang gamitin ang mga camera phone.
“At a certain point the priest leading the ceremony says ‘lift up our hearts’. He doesn’t say ‘lift up our mobile phones to take photographs’,” sinabi niya sa mga nagtipun-tipon sa Saint Peter’s Square para sa kanyang lingguhang misa.
“It’s so sad when I’m celebrating mass here or inside the basilica and I see lots of phones held up—not just by the faithful, but also by priests and bishops! Please!”
Hindi na bago ang 80 taong gulang na Argentine pontiff sa mundo ng social media, na mayroong mahigit sa 14 na milyong follower sa kanyang English-language Twitter account, at madalas na nagpo-post ng kanyang mga selfie kasama ang kabataang pilgrims.
Ngunit sadyang may problema siya sa para sa kaniya ay maling paggamit sa mga smart phone.
Nitong Pebrero, sinabihan niya ang mga bata na huwag gamitin ang kanilang mga cell phone habang kumakain ang pamilya, at nagbabala na ang paglalaho ng nakagawian at dapat na pakikipag-usap nang personal ay may masamang epekto sa lipunan, at sa katunayan ay maaari pang magresulta sa digmaan.
Sinabi ng Santo Papa na ang Internet, social media at text messages na “a gift of God” kung magagamit nang wasto, ngunit hinikayat rin niya ang kabataan na ipagpalit ang kanilang smart phones para sa mga Bibliyang pocket-sized.