Ni: PNA

UMISKOR si SEA Games medalist Krizziah Lyn Tabora ng 2,587 pinfalls sa 12 laro sa qualifying rounds para sa 2017 Quibica AMF Bowling World Cup nitong Miyerkules sa Bol 300 lanes sa Hermosillo, Sonora, Mexico.

Sa inilabas na resulta sa website ng torneo, nasa No.6 sa 54 kalahok sa women’s division ang 26-anyos na Tabora.

Nangunguna ang Swedish na si Jenny Wegner kasunod sina German Vanessa Timter, Columbian Rocio Restrepo, American Erin McCarthy at Mexican Maribel Orozco.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kumana si Tabora, miyembro ng Philippine Team na nagwagi ng bronze medal sa 2017 Kuala Lumpur at 2015 Singapore SEA Games, ng 202, 236, 235, 205, 222, 264, 203, 190, 224, 212, 190 at 204 pinfalls.

Sasabak pa ang mga bowlers sa 12 laro para madetermina ang top 24 qualifiers na aabante naman sa second stage.