Ni: Light A. Nolasco
BALER, Aurora - Sunud-sunod na pagyanig ang naramdaman ng mga taga-Baler, Aurora nitong Miyerkules.
Dakong 3:54 ng umaga umano nitong Miyerkules nang niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lugar, ayon sa Philippine Institute of Volcanology & Seismology (Phivolcs) sa 16 na kilometro sa katimugan at may lalim na 11 degrees sa silangan.
Muling niyanig ang Baler dakong 4:17 ng umaga, sa lakas na 2.0 magnitude, na sinundan ng magnitude 2.7 bandang 6:22 ng umaga.