Ni: Marivic Awitan

ITINAKDA ngayon ang deadline para sa pagsumite ng kanilang aplikasyon para sa Fil-foreign players na nais sumabak sa Philippine Basketball Association D-League Rookie Draft.

May hanggang Nobyembre 17 naman ang mga lokal players para magsumite ng kanilang aplikasyon sa PBA Office sa Libis, Quezon City.

Hiniling naman ng PBA sa mga school-based teams na magsumite ng line-up ng kanilang mga bagong player para malaman ang drafting order sa Rookie Draft na gaganapin sa Disyembre 12.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nakatakda ang PBA D-League Aspirants’ Cup sa Enero 8.