Ni JIMI ESCALA

KASALUKUYANG naroroon sa New Zealand si Luis Manzano kasama ang kasintahang si Jessy Mendiola para marahil dumalo sa kasal ni Anne Curtis.

Luis at Jessy copy

Pero ayon sa butihing ina ni Luis na si Congresswoman Vilma Santos, bago umalis ang dalawa ay magkasama sila sa isang dinner sa bahay nila sa Alabang last Sunday. Pahabol na selebrasyon daw ‘yun ng kaarawan ni Ate Vi. Present ang lahat including Ryan Christian and Senator Ralph Recto at ilang family friends and relatives. Siyempre, lahat ay may regalo kay Ate Vi.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Ano ang regalo na ibinigay sa kanya ni Luis?

“Well, binanggit niya sa akin na may ibibigay raw siya sa akin at maghintay daw ako ng nine months,” napatawang kuwento ni Ate Vi.

So, buntis si Jessy at magiging lola na siya?

“Nagbibiro lang ‘yun. Loko-loko talaga ang anak kong ‘yan. Ayaw na raw niya akong bigyan ng regalo at maghintay na nga lang daw ako ng nine months,” dugtong pa rin ni Ate Vi.