Ni: Mary Ann Santiago

May karagdagang pasanin na naman ang mga consumer ng Manila Electric Company (Meralco) matapos na ihayag ng kumpanya na magtataas ito ng 34 sentimos kada kilowatt hour (kWh) sa singil sa kuryente ngayong Nobyembre.

Dahil sa panibagong dagdag-singil, aabot na sa P9.63 kada kWh ang bayarin ng mga consumer sa kanilang electric bill.

Nangangahulugan ito na ang kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh ay kailangang magbayad ng dagdag na P68.72, habang ang mga kumukonsumo naman ng 300 kwh ay madaragdagan ng P102.08 ang bayarin ngayong buwan.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nasa P137.44 naman ang dagdag na bayarin ng mga bahay na nakagagamit ng 400 kWh kada buwan, at P171.79 sa mga kumukonsumo ng 500 kWh.

Paliwanag ng Meralco, ang dagdag-singil sa presyo ng kuryente ay dahil umano sa P0.19 kada kWH na dagdag-singil sa generation charge, gayundin sa paghina ng piso kontra dolyar.