Ni JUN FABON

Agad sinibak sa puwesto ni Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt.Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang dalawang tauhan ng QCPD PS8 - Project 4, matapos ireklamo ng pambabastos sa isang estudyante kamakailan.

Kinilala ang mga sinibak na sina PO2 Rick Lopez Taguilan at PO1 Domingo Nagales Cena na kapwa nahaharap sa kasong administratibo at conduct of unbecoming of a police officer.

Sila ay positibong kinilala ng biktima na itinago sa pangalang “Zandy”, law student sa University of the Philippines (UP).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Base sa imbestigasyon ng QCPD, tinitigan at sinipulan umano ng dalawa ang biktima.

Dahil dito, nilabag nina PO2 Taguilan at PO1 Cena ang Cat-Calling City ordinance 2501 o Anti-Harassment ordinance.

Maging ang patrol supervisor na si SPO1 Ariel Camiling ay sinibak din sa puwesto at kinasuhan ng dishonesty makaraang pagtakpan ang dalawang pulis.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, naganap ang insidente noong Nobyembre 2, dakong 10:30 ng gabi.

Sakay sina PO2 Taguilan at PO1 Cena sa QCPD mobile unit 235, mula sa QCPD PS8.