Ni: Light A. Nolasco

BALER, Aurora – Sa kabila ng matinding pangamba ng mga taga-Baler sa nararanasang baha na dulot ng walang tigil na pag-ulan sa Aurora, kumalat pa ang balitang nagpakawala ng tubig ang National Irrigation Administration (NIA) sa bayan ng San Luis.

Pinangangambahan ng ilang residente ang pagbabaha tuwing bumubuhos ang ulan, partikular sa Daang Gloria at Baclaran sa Barangay Suklayin, at sa mga barangay ng Pingit, Obligacion at Buhangin.

Lumubha pa ang pangamba ng mga residente sa kumalat na impormasyon na nagpakawala ng tubig sa dam ang NIA, at posible umanong umabot sa anim na talampakan ang baha.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mariin namang pinabulaanan ni NIA Aurora Satellite Office Head, Engr. Danilo Mangaba na nagpalabas sila ng tubig sa San Luis, at sinabing hindi dapat na naniniwala ang mga residente sa “fake news”.