Ni: Lyka Manalo

BATANGAS – Maghahain ng resolusyon sa Kamara si House Deputy Speaker at Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu upang hilingin na imbestigahan ng kinauukulang congressional committee ang biglaang pagtataas ng toll fee sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway, na sinimulan nang ipatupad nitong Lunes.

Ang STAR Tollway ay nagsisimula sa Sto. Tomas at nagtatapos sa Batangas City, na may kabuuang distansiya na 41.90 kilometro.

“I’m not aware of any public hearing or consultation regarding STAR toll fee increase, I’m surprised myself,” saad sa pahayag ni Abu.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi naman ni Bert H. Suansing, ng Toll Regulatory Board (TRB), sa panayam ng Brigada News-FM-Batangas, na ang inaprubahang P.67 centavos per kilometer na taas-singil sa toll fee ay batay sa petisyon ng STAR Infrastructure Development Corporation (SIDC) sa unang bahagi ng taong ito.

Ayon kay Suansing, nakasaad sa petisyon ng SIDC, na kailangan nitong bawiin ang P2.3 bilyon na ginastos sa rehabilitasyon at pagpapalapad sa highway, na mula sa dalawang lane at apat na lane na ngayon.