Ni NITZ MIRALLES

NATAWA kami sa nabasang comment ng isang netizen na nang manalo lang si Winwyn Marquez bilang Reina Hispanoamericana, saka lang nag-follow sa kanya si Pia Wurtzbach sa social media. 

Pia1 copy copy

Sumali sa Bb. Pilipinas at Miss World si Winwyn nang hindi siya pina-follow ni Pia, kung hindi pa siya nanalo ay hindi pa siya nito ipa-follow.

Totoo bang nangangamatis ang bagong tuling ‘pututoy’ kapag nakita ng babae?

Mabuti pa raw si MJ Lastimosa, 2014 Bb. Pilipinas-Universe, nag-comment na since day one ng contest, at naniwalang mananalo si Winwyn. 

In fairness, isa si Pia sa mga naunang nag-congratulate kay Winwyn at kay Miss Earth 2017 Karen Ibasco. Pati na si Megan Young, nagpaabot din ng pagbati sa dalawa.

May nag-suggest din na sa pagbabalik ng Pilipinas at kung magkakaroon ng parada, dumaan si Winwyn sa Farmer’s at sa Aranate Center para lang makita ng Bb. Pilipinas Charities na ang hindi nila pinapanalo sa Bb. Pilipinas ay nanalo sa Reina Hispanoamericana.

Samantala, nabasa namin na nasa New York na si Winwyn, nagbabakasyon daw. Wala pang balita kung makakarampa siya sa Bench Show sa November 18 dahil kasama ang pangalan niya sa special guests o kung mananatili na muna sa New York at babalik sa Bolivia.