Ni: Marivic Awitan

BAGAMA’T kinapos sa kanilang naging kampanya ngayong taon, magandang bukas naman ang tinatanaw ng season host San Sebastian College para sa susunod na taon.

Natalo sa huling stepladder semifinals match sa kamay ng defending champion San Beda College nitong Martes, umaasa si Macaraya na maipagpapatuloy ng kanyang koponan na mananatiling “intact” at walang bawas sa Season 94 ang nasimulan nilang bagong “standard!” at sipag para mas umangat buhat sa naitala nilang third place finish.

“Well hopefully everybody’s will be healthy next year and will continue the hardwork and standard that we both agreed upon,” pahayag ni Stags coach Egay Macaraya.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I believe we will have a bright future next year,” sambit ni Macaraya matapos ang natamong 71-76 kabiguan sa Red Lions na nagpinid ng kanilang kinakatok na pintuan papasok ng Finals.

Buo pa rin ang core ng homegrown team ng Stags sa susunod na taon na pangungunahan nina Michael Calisaan, Ryan Costelo, Jason David, Alfred Gayosa at Jayson David.

Sila ang inaasahan ni Macaraya na magbibigay ng ganap na katuparan sa nasimulan nilang misyon na gawing solido ang San Sebastian community sa pagsuporta sa sports program ng eskuwelahan lalo na sa basketball.

“We’re very happy that the San Sebastian community is again united and very supportive because it’s one of our goal and vision to bring back the glory days of Baste with the crowd support and we’re one step in achieving it, “ ayon kay Macaraya. “Hopefully next year, we can do better.”