Ni JIMI ESCALA

KUNG may mga celebrity na gustong gustong napag-uusapan ay kakaiba ang pananaw ni Albie Casiño. 

Para kay Albie, mas makakabuti na walang isyung pinag-uusapan tungkol sa kanya.

Mas gusto niyang tahimik at nakakaramdam siya ng kasiyahan sa tuwing hindi siya pinag-uusapan ng publiko.

Human-Interest

Tripleng tagumpay! Identical triplets, magna cum laude sa degree program nila

“Sa totoo lang, eh, tuwang-tuwa nga ako. Mas gusto ko talaga ‘yung ganito lang, walang intriga at hindi kung anu-ano ang nababasa mo tungkol sa akin. Sa akin naman, eh, okey lang talaga ang hindi mapag-usapan, mas masaya ako at okey sa akin yun,” sey pa ng binatang aktor.

aLBIE copy

Dagdag pa ni Albie, kung dati raw ay medyo kinakabahan siya at tamad na tamad uma-attend sa prescon, ngayon ay mas magaan ang pakiramdam niya sa pagharap sa media.

“Dati talaga, eh, ayokong pumunta sa mga prescon pero ngayon, eh, okey na sa akin, kasi wala na silang matatanong sa akin na isyu, wala na, di ba?” balik-tanong niya.

Aniya, marami siyang natutuhan sa mga naging isyu sa kanya noon lalung-lalo na ‘yung tungkol sa naging relasyon nila ni Andi Eigenmann.

“Ang sa akin lang, eh, sobrang na-realize ko lang na bata pa talaga ako noon. Kasi kapag bata ka pa, eh, akala mo pagdating mo ng 18 matanda ka na, at kaya mo na ang sarili mo. At least na-realize ko na I’m still growing into the person I’m going to become,” paliwanag pa ni Albie.

Samantala, inamin ni Albie na kayang-kaya na niya at susubukan niya ngayon na magpaseksi, kagaya ng gagawin niya sa Bench fashion show sa November 18 sa MOA Arena.

“Trabaho naman ‘yun. At wala naman sigurong problema kong gawin ko ‘yun, di ba? Pinaghandaan ko rin naman itong katawan ko at saka hindi naman ‘yun bastos. Kung saASAP nga dati, eh, lagi akong nakahubad, dito sa Bench, eh, marami silang makikita sa akin,” natawang sabi ni Albie.