Ni NORA CALDERON
SA pagkamatay ni Solenn Heussaff as Iris sa Alyas Robin Hood ng GMA 7, susunod namang mawawala si Ruru Madrid na gumaganap bilang si Andres Silang, inaanak ni Emilio Albano (Edu Manzano) at siya ring nagpalaki sa kanya pero hindi alam na isa rin siyang vigilante -- ang kilala lamang sa tawag na Yoyo Boy na tumutulong kay Alyas Robin Hood (Dingdong Dantes).
Kailangan nang magpaalam sa serye si Ruru dahil may bago siyang sisimulang drama serye rin, kasama ang leading lady niyang si Gabbi Garcia.
“Mami-miss ko po ang Alyas Robin Hood kasi talagang pinaghandaan ko ang role na ginagampanan ko ngayon,” sabi ni Ruru. “Nagamit ko naman ang mga stunts at muay thai na pinaghirapan kong aralin with my fight instructor. Mabuti na nga lamang at malapit na ring matapos ito, last three weeks na lang siyang mapapanood. Hindi ko pa po alam kung ano ang gagawin sa akin, kung papatayin ako, naghihintay lang ako ng last taping day ko.”
Kailangan na kasing paghandaan ni Ruru ang bagong role na gagampanan niya sa still untitled drama series.
“Sabi po ay bulag ang role ko at aso lang ang lagi kong kasama. Kaya kailangan kong mag-aral kung paano maging isang bulag. Hindi ko po alam kung ano pa ang hihingin sa akin sa role na gagampanan ko pero excited na po akong magsimula ng taping ng bagong serye namin.”
Thankful din si Ruru na si Gabbi pa rin ang ka-love team niya sa bagong project. Hindi naman siya namimili ng ka-love team, pero siyempre, iba pa rin iyong komportable siya sa kasama. Simula kasi nang magsama sila ni Gabbi two years ago, lahat ng projects na ibinigay sa kanila, sila ang magka-love team.
“Pero patuloy po ninyong panoorin ang natitirang mga linggo ng Alyas Robin Hood dahil mas marami nang action scenes na gagawin si Kuya Dong. Gabi-gabi po kami sa GMA 7 after ng Super Ma’am.