NI: Bert de Guzman

BATAY sa third quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), kakaunti ang mga Pinoy na naniniwalang matutupad ni President Rodrigo Roa Duterte ang mga pangako noong panahon ng kampanya. Kabilang sa mga pangako na hinangaan ng mga tao ay ang pagsugpo sa illegal drugs, pagtabas sa kurapsiyon sa gobyerno, pagpapakain sa isda ng mga bangkay ng tiwaling pinunong-bayan, paglutas sa trapiko, pagtatamo ng kapayapaan sa Mindanao at iba pa.

Palakpakan ang mga tao. Humanga sila sa machong alkalde ng Davao City. Bumilib ang mga botante lalo na nang sabihin niya na bilisan ang transaksiyon sa mga tanggapan at kailangang matapos ang mga ito sa loob ng 24 oras o 72 oras.

Ayaw niya ng mahabang pila. Kung hindi, sisibakin niya ang mga tamad na opisyal at kawani ng pamahalaan. Resulta:

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Itinapon nila sa basurahan si Mar Roxas ng Liberal Party na nilamangan niya ng mahigit sa 16 na milyong boto.

Sa SWS survey, 57% ang nagsasabing hindi matutupad ni PRRD ang mga pangako; 37% naman ang naniniwalang matutupad; at 6% ang naniniwalang walang matutupad sa mga pangako. Akalain ba ninyong sa Mindanao na kanyang “home region”, siya ay nagtamo ng “highest decline” na pumalo sa 42% na dati ay 75% ang naniniwalang matutupad niya ang mga pangako.

Para sa akin, dapat ay bigyan pa natin ng sapat na panahon ang Pangulo na makatupad sa pangako. Wala pa siyang dalawang taon sa puwesto kaya malaki ang tsansa na makatutupad sa mga pangako sa sambayanang Pilipino. Ang nais lang ng taumbayan ay iwasan ang pagmumura, ang pakikipagkagalit sa Simbahang Katoliko, sa European Union at sa iba pang bansa na pumupuna sa kanyang giyera sa droga. Iyan ang tunay na diwa ng demokrasya. Iwasan din ang extrajudicial killings.

May nag-text at nag-email sa akin na kung ang mga mambabatas at pinunong-bayan ay katulad lang ng kaisipan at adhikain ni si ex-Manila Ist District Rep. Benjamin “Atong” Asilo, tiyak na uunlad ang mga bawat lugar ng bansa.

Kahit wala na sa puwesto, ang inaalagata ni Asilo ay ang kapakanan ng kanyang constituents sa Tondo, Maynila.

Matagumpay na naidaos ang taunang proyekto sa libreng sakay ni Cong. Asilo nuong Nobyembre 1 na halos 20,000 residente ang naalalayan ng 80 jeepneys na naipakalat sa iba’t ibang panig ng Tondo 1.

Dahil dito, nagpasalamat ang samahang “KASAMAKA”, sa pangunguna ni Nick Del Rosario, sa proyektong libreng sakay ng dating mambabatas. Nagpasalamat din si Asilo na naging bahagi ng kanilang solemn family bonding sa pamamagitan ng libreng sakay, paroo’t-parito sa Nanila North Cemetery.

“Nasa posisyon o wala ay mananatili ako sa advocacy at krusada na makatulong sa mga constituents” ani Asilo. Paraan daw ito ng kanyang pasasalamat sa mga taong tumulong sa... kanya para siya ay maluklok sa serbisyo publiko ng tatlong termino sa Kongreso na nagtapos noong 16th Congress Responsable rin siya sa pagpapatayo ng apat na palapag na 24 silid aralan ng Manila City College Tondo Annex sa Arroceros Campus bilang tulong sa constitutents na nais magpatuloy ng libreng pag-aaral.

Hindi lamang kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng magandang puso at kaisipan. Kilala rin ang Pilipinas sa pagkakaroon ng magaganda at katangi-tanging dilag. Pinatunayan ito sa pagwawagi nina Karen Ibasco bilang Miss Earth 2017 at Winwyn Marquez bilang Reina Hispanoamericana 2017. Sa Malaysia, nagningning din si Sammie Anne Legaspi bilang First runner-up sa Miss Lhumiere International World 2017 beauty pageant.