Ni: Fer Taboy

Apat na katao ang napatay habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang araruhin ng sinasakyan nilang kotse ang dalawang puno ng niyog sa Roxas City, Capiz, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa imbestigasyon ng Roxas City Police Office (RCPO), nangyarin ang aksidente sa People’s Park sa Barangay Baybay, Roxas City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Bryan Macalintal, ng Barangay Culasi; Patrick James Llave; at Jomer Baes, kapwa ng Bgy. Tanque; at John Bert Chinggo, nakatira sa Fuentes Subdivision, Roxas City.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa ospital ang nasugatang sina Happy Oronio Singh, at Joy Felarca.

Batay sa imbestigasyon, minamaneho ni Singh ang isang Mitsubishin Mirage galing sa inuman nang mangyari ang aksidente.

Nabatid ng pulisya na mabilis umanong magpatakbo si Singh sa nasabing sasakyan hanggang mawalan ng kontrol at bumangga sa dalawang puno ng niyog.

Tumilapon ang apat na biktima, at hindi na umabot nang buhay sa ospital kung saan isinugod ang mga ito ng mga nagmalasakit na bystander.