Ni Rommel P. Tabbad

Umapela kahapon ang Department of Agriculture (DA) at Philippine Rice (PhilRice) sa publiko laban sa pagsasayang ng kanin.

Ayon kay Dr. Flordeliza Borday, ng PhilRice, ang bawat Pinoy ay nag-aaksaya ng tatlong kutsarang kanin kada araw, batay sa huling pag-aaral ng ahensiya.

Inilabas ng DA at PhilRice ang apela kasabay ng pagdiriwang ng Rice Awareness Month, nang ilunsad ang “RicePonsible” plate challenge, o ang paanyaya sa mga kalahok na magsumite ng pinakamasusustansiyang rice meals.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kaugnay nito, nanawagan din ang DA sa publiko na ugaliing bumili ng brown rice, dahil mas masustansiya ito kaysa nakasanayan nating puting kanin.