Ni Marivic Awitan

WALANG basehan ang pagpataw ng suspensiyon kay NCAA MVP volleyball star Grethcel Soltones ng Philippine Super Liga.

Ito ang mariing ipinahayag Sports Vision, ang organizer ng Premier Volleyball League (PVL) na nagdaos ng All-Star Game nitong Oktubre 29 kung saan kabilang na naglaro si Soltones at ginamit na batayan ng suspensiyon ng PSL.

Bali Pure's Gretchel Soltones receives the ball during the Premier Volleyball League Open Conference Finals Game 2 against Pocari Sweat at Filoil Flying V Centre in San Juan, August 16, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
Bali Pure's Gretchel Soltones receives the ball during the Premier Volleyball League Open Conference Finals Game 2 against Pocari Sweat at Filoil Flying V Centre in San Juan, August 16, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Si Soltones ay naglalaro sa Iriga City sa PSL.

Sa pahayag ng PSL management, suspindido ng isang taon at pinagmulta ng P50,000 si Soltones bunsod sa paglabag sa kontrata sa liga.

Ngunit, ayon sa Sports Vision, ipinahiram lamang ang PVL top player sa iriga City team at wala itong kontrata sa PSL.

“The suspension and hefty fine on (Gretchel) Soltones by the PSL officials is absurd and totally uncalled for,” ani Sports Vision president Ricky Palou sa isang statement.

“In the first place, Soltones has no contract with the PSL. She is only on loan to the team of Iriga as her mother league is the PVL.”

Sinabi din ni Palou na ang PVL All Star Game ay hindi isang liga bagkus isang one-day charity event na idinaos para sa kapakinabangan ng HERO Foundation, isang organisasyon na itinatag upang makalikom ng pondo para sa scholarship funds sa mga naulilang anak ng mga sundalo sumabak sa Marawi City.

“I don’t see anything wrong with what Gretchel did. In fact she should be commended for helping in this fund raising event by her participation,” ayon pa kay Palou.

Idinagdag pa nito na ang PVL All Star ay ini -schedule bago pa man hiramin si Soltones ng Iriga City upang maglaro sa PSL.