Ni NORA CALDERON

MALAKI ang tiwala ng GMA Network sa love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na palagi naman kasing nagtatala ng mataas na ratings ang mga ginagawang teleserye. Huli nilang ginawa na magkatambal ang Mulawin vs Ravena at tiyak na ikinatuwa ng BiGuel fans na may follow-up project agad ang dalawa.

Miguel at Bianca copy

Nagkaroon na ng story conference ang primetime TV series at ayon sa interview kina Bianca at Miguel sa “Chika Minute” ng 24 Oras, nasa higher level na sila, meaning may pagka-mature na ang roles na gagampanan nila. May pagka-supernatural din daw ang tema ng story ng Santa Santita.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Hindi lamang iyon, binigyan ng napakalaking cast ang dalawa, sa pangunguna ni Ms. Gloria Romero kasama sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Gardo Versoza at ang nagbabalik-Kapuso na sina Carmina Villarroel, Marvin Agustin at si Quezon City Congressman Alfred Vargas, Jeric Gonzales at magiging kontrabida sa relasyon nina Miguel at Bianca si Kylene Alcantara. 

Bale ito ang teleserye na gagawin ni Carmina pagkatapos niyang mag-guest sa Super Ma’am ni Marian Rivera. Nagustuhan naman ni Marvin ang concept ng teleserye at ng role na gagampanan niya. Matatandaan na dating nasa Kapuso Netwrok si Marvin pero lumipat siya noong 2012 sa TV5 at nag-host ng Artista Academy. Bumalik siya sa ABS-CBN at nakagawa ng dalawang teleserye in 2015 at 2016. Ngayon ay Kapuso na siya muli.

Ididirek ang Santa Santita ni Don Michael Perez na siya ring nagdirek ng Mulavin vs Ravena.

Next year na mapapanood ang soap nina Miguel at Bianca, pero very soon ay magsisimula na silang mag-taping kaya hindi na muna magbabakasyon ang magka-love team this coming Holidays dahil gusto nilang pag-aralan ang characters na gagampanan nila.