Ni: Leonel M. Abasola

Hindi sapat ang kasalukuyang Anti-Hazing Law kaya’t maraming kabataan pa rin ang nabibiktima ng mga kapatiran.

Ayon kay Senador Grace Poe, may mga probisyon na kailangang baguhin, lalo na sa pananagutan ng eskuwelahan na wala sa kasalukuyang batas.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“May nakikita tayong mga batang namamatay dahil nga sa pambubugbog doon sa mga initiation rights pero hindi nababanggit ang mga eskuwelahan na ano ba talaga dapat ang ginawa nila para hindi mangyari ang ganitong bagay?” ani Poe.

Nais naman ni Senator Win Gatchalian na magkaroon ng mabigat na parusa sa fraternity members na pinagtatakpan ang isinasagawang hazing.

“We also have to put it in the law that members who did not actually participate in the hazing, but participated in the cover-up, should be put in jail,” ani Gatcalian.