Ni ROBERT R. REQUINTINA

KINABUKASAN simula nang masungkit ang korona sa Reina Hispanoamericano beauty pageant sa Bolivia nitong Sabado, sinabi ng aktres na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez na hindi pa rin siya makapaniwala na napanalunan niya ang titulo na pinangingibabawan ng Latina beauties.

Winwyn copy

“Hindi ako makapaniwala... totoo toh, di ba? Maraming maraming salamat,” saad ni Winwyn sa Instagram kasama ang kuha sa kanya na nakaupo sa sahig at hinahalikan ang korona.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Inaasahang darating sa bansa si Winwyn, 25, anak nina Alma Moreno at Joey Marquez, anumang araw ngayong linggo.

Pahayag ni Miss World Philippines general manager Bessie Besana kasunod ng kanyang “high-spirited” conversation kay Arnold Vegafria, national director ng Miss World Philippines nitong Linggo, “I just finished a super ‘high spirit’ conversation with our National Director, Arnold Vegafria over the phone. He is currently en route to New York departing from Panama. He said, he went straight to the airport after the presscon of Winwyn to catch his flight. As of this time, Winwyn is resting as it is 8 AM in Bolivia.

“For everyone’s information, Winwyn needs to stay in Bolivia for 2 days to attend TV guestings and attend to matter pertaining to her win with the mother company, Promociones Gloria. After which, she will fly to New York to transit back to the Philippines. The exact arrival of Winwyn is going to be finalized.

“Upon her arrival, the MWP organization will have a press conference for our media and partners to accommodate a proper welcome to our queen. Once we get further details, we will share the plans and schedule of our queen.

“To all those who have prayed, supported and voted, maraming maraming salamat po. Ang panalo ni Winwyn ay panalo ng sambayanang Pilipino,” ani Besana.

Si Winwyn Marquez ang unang Asian na nanalo sa Reina Hispanoamericana beauty contest na nagsimula noong 1991.

Ito rin ang unang pagsali ng Pilipinas sa beauty pageant na nagsisilbing pagdiriwang sa hispanic culture, language and heritage.

Ang winner ng Virreina Hispanoamericana sa naturang patimpalak ay si Akisha Albert ng Curacaco.

Binati ng local celebrities si Winwyn sa kanyang tagumpay.

Nag-tweet si Mark Herras, boyfriend ni Winwyn na: “Congrats Ga!”

Sinabi ni Winwyn bago pa man ginanap ang pageant na hindi siya masasamahan ng boyfriend sa Bolivia dahil napakamahal ng tiket sa eroplano.

“Everyday may crown ang Philippines! Congratulations,” sabi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

“Waking up to the Philippines winning a crown always makes my heart happy. Congratulations ladies!” sabi naman ni Miss World 2013 Megan Lynne Young.

“Congratulations Reina Teresita! Thank you for bringing pride to the Philippines. There were moments you doubted yourself because you don’t speak Spanish. But here you are. After dreaming of becoming a beauty queen like your aunt Melanie Marquez, who would have thought you could even bring home an international title. The first ever Asian to compete at Reina HispanoAmericana,” bati ni Jonas Gaffud, ng Aces and Queens beauty camp.

Bukod kay Winwyn, sinanay din ni Jonas sina Pia at Megan.

“Congratz Winwyn... Mabuhay Filipinas,” sabi ng kanyang amang si Joey.

Sa isang exclusive interview, sinabi ni Besana na nag-aral si Winwyn ng simple Spanish words at phrases bilang paghahanda sa kompetisyon.

“Let’s face it, hindi naman talaga s’ya nagsasalita ng Spanish. So ang ginawa namin ‘pinakuha namin s’ya ng refresher course on Spanish language para hindi naman trying hard ang dating n’ya,” dagdag ni Besana.

Si Winwyn ay graduate ng Southville International School and Colleges. Nag-aral siya ng Bachelor of Science in Business Administration, major in Marketing Management sa San Beda College Alabang. 

Kamakailan ay napanood siya sa popular Kapuso primetime television series na Encantadia at Mulawin vs Ravena.