Ni: PNA

ALIN ba ang tama, imahe o imahen? Dyaryo or diyaryo?

Nagdedebelop ngayon ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng software na layuning maresolba ang maling pagbabaybay sa maraming salitang Filipino, ang ating pambansang wika.

Planong ilunsad sa 2018, ang kauna-unahang spellchecker software ng KWF ay gagana na gaya ng sa Microsoft Word, inaalerto ang user sa maling baybay ng salitang Filipino na tinipa sa computer at ibibigay ang tamang baybay.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“It’s part of our campaign to promote use of Filipino,” sabi ni Jeslie del Ayre, language researcher ng KWF na isa sa mga nagdebelop ng nasabing software.

Aniya, puntirya ng KWF na ibigay nang libre sa publiko ang naturang software.

“We also plan installing the software in national and local government offices nationwide for use in respective official communication, transactions and correspondence,” dagdag pa niya.

Alinsunod sa Executive Order No. 335, hinihimok ang lahat ng tanggapan ng gobyerno sa bansa na magpatupad ng mga hakbangin upang maisulong ang tamang paggamit ng Filipino sa araw-araw na mga gawain.

“Intensified use of Filipino language in official transactions, communications and correspondence in government offices will hasten greater understanding and appreciation among the people of government programs, projects and activities throughout the country, thereby serving as an instruments of unity and peace for national progress,” saad sa EO 335.

Suportado ng nasabing EO ang Konstitusyon noong 1987 na nagtatakda sa Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas.

“Subject to provisions of law and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction in the educational system,” saad sa Konstitusyon.

Ayon kay del Ayre, ang spellchecker software ay nakabatay sa panuntunan sa ortograpiya ng KWF para sa wastong paggamit ng wikang Filipino.

Aniya, mayroon nang prototype ang KWF para sa nasabing software.

Ilang beses nang sumailalim sa pagbabago ang panuntunan sa ortograpiyang Filipino ng KWF, at ang huli ay nakapaloob sa “Ortograpiyang Pambansa” na inilathala ng komisyon noong 2013.

Ayon sa KWF, ang ortograpiya ay mahalaga sa epektibong pagtuturo ng wastong paggamit sa pagsusulat at pagbabasa ng Filipino.