Ni Genalyn D. Kabiling

Pinag-iisipan ng ibang bansa na tularan ang Pilipinas sa pagsugpo sa panganib na dulot ng droga sa kabila ng mga kritisismo ng ilang grupo sa administrasyong Duterte, ayon sa isang opisyal ng Palasyo.

Newly-appointed Presidential Spokesperson Harry Roque conducts his first briefing in Malacanang Palace on Thursday. Photo by Jansen Romero
Newly-appointed Presidential Spokesperson Harry Roque conducts his first briefing in Malacanang Palace on Thursday. Photo by Jansen Romero

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque Jr. na ang war on drugs ng gobyerno ay naging “hugely successful” kaya ang nagbabalak ang ilang kapit-bansa natin na magpadala ng “observers” sa Pilipinas.

Human-Interest

'Puro kayo Labubu, mas masaya to!' Paper dolls noong 90s, naghatid ng nostalgia

“Let us not underestimate the success of the President in the war against drugs. As in fact, other countries now look to us as a model,” sabi ni Roque sa press conference na isinagawa sa Cebu City nitong Linggo ng gabi.

“Just a few days ago, President Trump himself declared his own version against war, his own war against drugs. And other ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) countries are also sending their observers here to find out exactly what steps we are taking that have led to our success in this war against drugs,” sabi niya.

Sa pagbabahagi sa pinakamahuhusay na hakbangin ng bansa, sinabi ni Roque na gumamit ang Pangulo ng “tremendous political will” upang lutasin ang problema sa droga, at ginawa itong national priority.

“This is the first time really that we have waged a campaign of this magnitude. And in fact, until the administration of President Duterte came along, we hardly felt that there was any importance ‘no or that they considered the drug problem as a priority,” aniya.

“It’s only under the administration of President Duterte that we have number one, given a priority to this problem; and number two, used the tremendous political will in countering these problems,” sabi niya.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Roque na dahil sa local drug crackdown ay libu-libong drug suspects ang naaresto.

Nananatili ring malakas ang suporta ng publiko sa drug war sa kabila ng mga alegasyon sa paglabag sa karapatang pantao ng ilang grupo, dagdag niya.

Inihayag niya na tumaas nang husto ang presyo ng shabu dahil sa maigting na anti-drug campaign ng gobyerno, kaya hindi na ito kayang bilhin ng maraming tao. Sinabi niya na may “proof that supply has been curtailed as the result of the war against drugs.”

Naging agresibo ang Presidente sa kampanya laban sa illegal drugs pero tinuligsa ng human rights advocates dito at sa ibang bansa ang dumaraming diumano’y summary killings at iba pang paglabag sa karapatang pantao.

Nanguna ang Simbahang Katoliko kamakailan sa prayer action na naghahangad na maghilom ang sugat na natamo ng bansa mula sa diumano’y extrajudicial killings sa ilalim ng madugong giyera ni Duterte sa droga. Ilang opposition personalities ang dumalo sa aktibidades na ginanap sa EDSA Shrine at kapalit na EDSA 1986 people power monument.