Ni: Rommel P. Tabbad

Dahil sa pagsibak sa serbisyo sa isa niyang empleyado, sinuspinde kahapon ng Sandiganbayan ang isang alkalde ng Camarines Sur.

Pinatawan ng anti-graft agency si Pili Mayor Tomas Bongalonta, Jr. ng 90-araw na suspensiyon dahil sa kinakaharap na kasong administratibo.

Ayon sa Office of the Special Prosecutor ng Ombudsman, nararapat lamang na suspendihin si Bongalonta habang hindi pa natatapos ang paglilitis nito sa kinakaharap na kasong graft.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“Once the information is found to be sufficient in form and substance, then the Court must issue the order of suspension as a matter of course. There are no ifs and buts about it,” ayon sa 7th Division ng anti-graft court.

Binanggit din ng korte na hindi dapat tinanggal ng alkalde sa serbisyo ang empleyado nitong si Eileen Ceron, dahil sinuspinde lamang ng Office of the Ombudsman ang huli sa isang kaso.

Dahil sa naging aksiyon ni Bongalonta, halos P1 milyon ang halaga ng ipinagkait nitong suweldo at benepisyo kay Ceron simula nang tanggalin ito sa serbisyo.