Ni: Genalyn D. Kabiling

Matapos ang magiliw na mga pag-uusap sa telepono, inaasahang maghaharap na sina Pangulong Rodrigo Duterte at United States President Donald Trump sa unang pagkakataon sa regional summit sa Vietnam ngayong Linggo.

Ang dalawang sikat na pangulo ay kabilang sa 21 lider ng mundo na dadalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa lungsod ng Da Nang. Inaasahang bibiyahe si Duterte patungong Vietnam sa Miyerkules, Nobyembre 8.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Leo Herrera-Lim, posibleng pag-uusapan nina Duterte at Trump ang pagpapalakas sa economic at security alliance sakaling matuloy ang mga pag-uusap nila sa sidelines ng APEC assembly.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“There’re several opportunities for exchanges,” ani Lim sa press briefing sa Malacañang, binanggit ang posibleng magkita sina Duterte at Trump sa mga pagpupulong at hapunan ng APEC ngayong linggo.