Philippines - Idineklara kahapon ni Cagayan Gov. Manuel Mamba na walang pasok ngayong Lunes, Nobyembre 6, 2017, sa lahat ng antas mula sa pre-school hanggang kolehiyo, mapa-publiko at pribadong paaralan, sa buong Cagayan.

Ayon sa public information office ng pamahalaang panglalawigan, inirekomenda ng Cagayan Provincial Climate Change and Disaster Risk Reduction and Management Office (PCCDRRMO) ang pagkansela sa klase, para maprotektahan mga estudyante sa patuloy na pag-uulan sa probinsiya.

Ayon naman kay Mamba, mapanganib para sa mga estudyante ang baha bunsod ng walang puknat na pag-ulan na dulot ng northeast monsoon sa lalawigan.

Mananatili ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas hanggang hindi ito binabawi ng tanggapan ng gobernador. - Liezle Basa Iñigo

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela