NABAPAGSAK ni Arthur Villanueva si WBC bantamweight champion Luis “Panterita” Nery sa ikaapat na round, ngunit nakabawi ang kampeon para makuha ang panalo via 6th round TKO nitong Linggo sa kanilang 10-round non-title bout sa Gasmart Stadium sa Tijuana, Baja California, Mexico.

“The Filipino dropped Nery late in the fourth round but the rally was short lived as the knockdown appeared to help Nery refocus and batter Villanueva in the fifth,” ayon sa ulat ni boxing writer Ryan Burton ng BoxingScene.com.

“Nery continued his assault in the sixth and the referee stopped the fight when Villanueva stopped responding,” dagdag sa ulat. “The official time of the stoppage was 1:19.”

Natamo ni Nery ang WBC bantamweight title nitong Agosto nang mapatigil niya sa 4thround si Shinsuke Yamanaka ng Japan pero natuklasang may bawal na gamot na Zilpaterol sa kanyang drug test matapos ang laban.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Iniutos ng WBC ang rematch nina Nery at Yamanaka pero may agam-agam pa rin kung gumagamit ang Mexican ng performance enhancing drugs (PEDs).

Napaganda ni Nery ang kanyang rekord sa perpektong 25 panalo, 19 sa pamamagitan ng knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Villanueva sa 31-3-0 na may 19 pagwawagi sa knockouts. - Gilbert Espeña