Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong umaasa na matutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karamihan sa mga ipinangako nito sa nagdaang eleksyon.

Sa 3rd quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 35 porsiyento na lamang ng mga Pilipino ang naniniwalang matutupad ang mga ipinangako ng Pangulo sa bayan, kabilang ang 8% bumoto ng “all or nearly all” at 27% na karamihan sa kanyang mga ipinangako. Nasa 15% naman ang sumagot ng “a few” habang 6% ang “none or almost none.”

Bumaba ito ng 17% mula sa naitalang 52% noong Marso 2017.

May 1,500 respondents ang kasali sa survey na isinagawa mula Setyembre 23 hanggang 27. - Beth Camia

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>