Ni RIZALDY COMANDA
HINDI kumpleto ang paggunita sa Undas kung wala ang selebrasyon ng Halloween, lalo na ang Trick or Treat para sa kabataan.
Bago mag-alay ng panalangin at magnilay-nilay sa mga puntod ng mga yumaong mahal sa buhay tuwing Nobyembre 1, sari-saring Halloween tricks ang ipinagdiriwang, na kalimitan ay katatakutan.
Noong 1950’s, sa bansang Estados Unidos at Canada ay sikat na sikat ang trick-or-treating bilang aktibidad ng Halloween tuwing Oktubre 31. Ang kabataan ay nagsusuot ng Halloween costumes at bitbit ang pumpkin pail ay nagha-house to house para tanggapin ang treats, na noon ay pagkain ang ibinibigay.
Ang aktibidad na ito ay minana ng Asya, kabilang na ang Pilipinas at sa panahon ngayon, hindi lamang katatakutang costume ang makikita sa mga kabataan kundi ang pati superheroes at Disney characters sa trick or treat.
Naging taunan nang aktibidad ng SM Baguio ang trick or treat para mabigyan ng kasiyahan ang mga kabataan, tuwing sasapit ang Halloween.
Nitong nakaraang Oktubre 31, mahigit sa 500 kabataan ang nagpatalbugan sa costume sa trick or treat, kasama ang kani-kanilang magulang, bitbit ang kani-kanilang pumpkin pail at namahagi naman ng mga candies ang business stalls sa loob ng mall.
[gallery ids="272600,272601,272602,272603,272604,272605,272610,272609,272608,272607,272606,272611,272612,272613,272614,272615,272620,272619,272618,272617,272616,272621,272622,272623,272624,272625"]