NANGIBABAW ang bilis at lakas ni Torres. ONE PHOTO
NANGIBABAW ang bilis at lakas ni Torres. ONE PHOTO

GINAPI ni Pinay atomweight fighter Jomary Torres si Indonesian grappling specialist Nita Dea via unanimous decision, habang tatlong kababayn niya ang olats sa One Championship: Hero’s Dream nitong weekend sa Thuwunna Indoor Stadium sa Rangon, Myanmar.

Naitala ni “The Southern Eagle” Ma Hao Bin ng China ang ikawalong sunod na panalo bilang professional nang madomina via submission sa first round kontra Filipino striker Eugene Toquero.

Nagwagi si Pongsiri Mitsatit ng Thailand kay Jeremy “The Jaguar” Miado via tap out sa second round.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Hindi rin nakalusot ang isa pang Pinoy na si Burn ‘Hitman’ Soriano kontra “Rock Man” Chen Lei ng China sa second round ng kanilang bantamweight bout.

Nakamit naman ni local star Aung La N Sang ang ONE IOpen weight super bout title kontra heavyweight champion Alain “The Panther” Ngalani.