Ni Nora Calderon

PUMANAW na si Isabel Granada, 41, early morning of November 5, Manila time. Ang balita ay kinumpirma ng asawa niyang si Arnel Cowley sa pamamagitan ng Facebook post.

“It is with great sadness that my wife Isabel Granada has peacefully passed here in Doha, Qatar. She has been a fantastic wife, mother and daughter. She always did her best in everything she did, whether it be in front of a camera or sports. I would also like to take this time to thank the Filipino community in Doha for giving their full support throughout this difficult time for myself and the family. Baby... wherever you might be... just always remember that I LOVE YOU and I miss you very much.”

Isabel Granada
Isabel Granada
Nag-post din naman agad ang former husband ni Isabel na si Jericho Genasky Aguas sa Instagram: “Malaki ang naging parte mo sa aking buhay. Binigyan mo ako ng isang gwapo’t matalinong anak, makulay ang 14 yrs nating pagsasama. Sa lahat... mula sa aking puso’t kaluluwa... maraming maraming salamat... pahinga ka na... paalam Isa...” Nagsama siya ng pictures nilang mag-anak noong magkakasama pa sila.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Isa rin sa unang nag-post sa Twitter ng kalungkutan sa pagpanaw ni Isabel si Maine Mendoza, at 1:30AM November 5: “Nakakalungkot naman... may you rest in peace, Ms. Isabel. Deepest condolences to her family and loved ones.”

Hindi makakalimutan ni Maine si Isabel dahil isa ito sa sumali noon sa segment ng Eat Bulaga na “Challenge Accepted.” Celebrities ang naglalaban-labang contestants na every week ay nag-perform ng assigned na theme at tuwing Saturday, may weekly finals. Si Isabel ay sumali na ang theme ay isang taong-grasa, na may kasamang performance. Sa kabuuan ng contest, si Isabel ang nanalo sa grand finals.

At bilang challenge din sa Dabarkads, si Maine ang naging taong-grasa, pumayag siyang maglibot sa mga lugar sa Manila at Baclaran. At sa studio, nag-perform si Maine, katambal si Alden Richards.

Hindi iyon ang unang pagkikita nina Isabel at Maine. Nang magkaroon ng bagong segment sa EB, ang #DabarkadsGoals: The Ultimate Battle, sumali ang Team Alarma, sina Ryan Agoncillo at Maine ang magka-partner sa contest na sa grand finals, nakalaban nila ang team nina Luane Dy at Miggy ng That’s My Bae. Isa si Isabel, na kilalang mahusay na dancer noon pang panahon ng That’s Entertainment, sa judges noong July 25, na ang nanalo ay ang Team Alarma nina Ryan at Maine. Wala naman si Ryan dahil nagkasakit, mahusay pa ring nakapag-perform si Maine at nagkaisa ang judges na si Maine at ang kanyang team ang panalo.

Wala pang ibinigay na detalye kung kailan iuuwi sa bansa si Isabel. Pero hinihintay na siya ng mga kasama niya, lalo na ng mga taga-That’s Entertainment na matagal niyang nakasama noon. Mula sa amin dito sa Balita, taos-pusong pakikiramay kay Mommy Guapa at sa asawa at anak ni Isabel.