Golden State Warriors guard Klay Thompson (11) drives past Denver Nuggets center Nikola Jokic (15) during the second quarter of an NBA basketball game Saturday, Nov. 4, 2017, in Denver. (Photo by Jack Dempsey)
Klay Thompson

DENVER (AP) — Walang kaba ang Golden State Warriors sa road game.

Ratsada ang Warriors, sa pangunguna nina Kevin Durant na may 25 puntos at Stephen Curry na kumana ng 22 puntos, sa third period tungo sa dominanteng 127-108 panalo kontra Denver Nuggets nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nag-ambag sina Klay Thompson at Draymond Green ng tig-15 puntos para sa Warriors, nagwagi ng ikaanim sa pitong laro, kabilang ang tatlo sa road game.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Getting on the road was good for us,” pahayag ni Warriors coach Steve Kerr.

“Sometimes you need to get on the road to feel more threatened. A team like this especially that’s used to being successful. I thought we took a couple of home games for granted and we weren’t defending, we weren’t bring energy.”

Nanguna si Will Barton sa Denver sa naiskor na 21 puntos mula sa bench, habang bigo ang Denver’s starter na makadale sa double figures sa scoring.

Mula sa limang puntos na bentahe sa halftime, umarangkada ang Warriors tampok ang 24-4 sa pagsisimula ng third period para palubohin ang bentahe sa 84-59.

Naitala ng Warriors ang 43 puntos sa third — pinakamalaking puntos na napayagan ng Nuggets ngayong season — at 103-76 abante sa fourth quarter.

PELICANS 96, BULLS 90

Sa Chicago, hataw si Anthony Davis sa naiskor na 27 puntos at 16 rebounds sa panalo ng New Orleans Pelicans sa Bulls.

Kumubra si DeMarcus Cousins ng 25 puntos at 11 rebounds para tuldukan ang six-game, regular-season losing streak sa Bulls. Nag-ambag sina Jameer Nelson ng 13 puntos, Darius Miller na may 11, at Jrue Holiday na kumana ng 10 puntos para sa Pelicans.

Humugot si Justin Holiday ng 18 puntos para sa Bulls, habang kumana sina Denzel Valentine at Lauri Markkanen ng 16 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

GRIZZLIES 113, CLIPPERS 104

Sa Los Angeles, balanseng atake ang puhunan ng Memphis Grizzlies para pataubin ang Clippers.

Pitong Grizzlies ang nakaiskor ng double figures, sa pangunguna ni Mike Conley na may 22 puntos.

“Any time you can get multiple guys in double figures, it means the ball’s moving, everybody’s in rhythm, people are being unselfish,” sambit ni Grizzlies coach David Fizdale.

Kumubra si Blake Griffin ng 30 puntos para sa Clippers.

“They’re a team that every single guy is in attack mode,”sambit ni Clippers coach Doc Rivers. “That’s what makes them good. They also share the ball well and space the floor. Every single guy you have to be ready to guard. Just watching it was frustrating.”

WOLVES 112, MAVS 99

Sa Minneapolis, nagsalansan si Karl-Anthony Towns ng 31 puntos at 12 rebounds, habang kumana si Andrew Wiggins ng 23 puntos para sandigan ang Timberwolves kontra Dallas Mavericks.

Nasungkit ng Wolves ang ikaapat na sunod na panalo – unang pagkakataon sa prangkisa ng Minnesotta mula noong Dec. 7-15, 2012 kung saan isa lang junior player si Towns.

Nanguna sa Mavs si Matthew Barnes sa naiskor na 17 puntos sa Mavericks, nasa pinakasamang marka (1-10) sa NBA mula noong 1993-94 season.

Sa iba pang laro, ginapi ng Detroit, sa pangunguna ni Andre Drummond sa natipang 16 puntos at 19 rebounds, ang Sacramento Kings, 108-99.