ni Reggee Bonoan

SA pagtuntong ni Rhian Ramos sa ABS-CBN nitong Sabado para sa presscon ng Fall Back, may natanong kung ano ang pakiramdam niya na nasa karibal na network siya.

“I feel very lucky actually kasi hindi naman isang opportunity ito na ibinibigay sa lahat, it’s nice to be able to work with people that you don’t usually get to work with, parang nai-expand tuloy ‘yung knowledge ko, enjoy naman,” nakangiting sagot ng aktres.

Rhian at Zanjoe
Rhian at Zanjoe
Hindi kaya maintrigang lilipat na siya sa Kapamilya Network?

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

“I think posible namang mangyari na matsismis ng ganu’n, hindi naman ako natatakot doon, I think o siguro in-expect ko na rin. Pero I feel very blessed to be working with a TV project right now with Lovi Poe, Dennis Trillo and Max Collins and also that’s also another comedy so I’m very, very grateful and happy,” masayang tugon ng dalaga.

Puwede rin naman niyang maging fall back ang ABS-CBN. 

“Ha-ha-ha, I don’t know what to say du’n, ah, but I’m very happy with everything that I have right now, so I don’t really feel the need to change anything at the moment,” diretsong sagot ni Rhian.

First time makatrabaho ni Rhian si Ms. Tetchie Agbayani na puring-puri niya.

“Sobrang saya, so much fun at saka natutuwa ako na ‘yung dalawang characters namin at lahat ng eksena magkasama.  Because her energy is so high and the way that she delivered her role, I felt very close to her and protective pero friend pa rin,” paglalarawan ni Rhian.

Salo ni Ms Tetchie, “Kasi po sa istoryang ito, ang character ko ang bale nagturo sa kanya na magkaroon dapat ng fall back sa lahat ng bagay kasi si Michelle (character Rhian) works as a location manager doon sa film, ako ‘yung nagpapaalala sa kanya na, ‘hija, dapat lagi kang may plan A, plan B hanggang plan C.  Laging dapat may fall back kaya ako ‘yung bale nag-uudyok sa kanya at nagko-coach sa kanya na dapat laging may plan B para in case something goes wrong with plan A, may plan B siyang puwedeng ipasok.”

Hirit naman ni Rhian, “And masaya rin po siyang kasama sa standby area kasi masarap ‘yung food lagi.  Or mag-oorder siya ro’n mismo.”

Naniniwala ba si Rhian na dapat may fall back nga?

“’Yung experience ko before naging fall back ko, pero by the time na nag-break sila, ako ‘yung in a relationship, ‘tapos siya naman ‘yung naging fall back, so medyo complicated.  Kaya naging fall back kami ng isa’t isa.

“Parang nu’ng nag-break sila, niligawan niya ako, pero in a relationship ako, so it created problems with my current relationship and it’s my fault.  Hindi masayang magkaroon ng fall back for me.  Given a chance hindi na lang at saka wala namang masamang mabakante for a while.  I enjoy being alone as much as in a relationship.  It’s both nice.”

Pagkatapos ng Q and A sa presscon ng Fall Back ay hiningan ng reaksiyon si Rhian tungkol kay Zanjoe Marudo na first time niyang nakatrabaho.

“Hindi kami masyadong nag-uusap, nu’ng bandang second half na ng movie, doon na kami nag-o-open up talaga sa isa’t isa and I wish it happened sooner, pero hayun, mayroon pa naman kaming promo period to enjoy each other’s company,” masayang sagot ng aktres.

Nabanggit din ni Zanjoe na awkward ang pakiramdam nila sa isa’t isa sa unang shooting day nila.

“Did he really say that? Yes, I agree,” natawang sabi ng dalaga.  “’Buti nag-agree siya, akala ko kasi ako lang magsasabi nu’n. Honestly, nahirapan ako to get to know him especially during the start of the project, feeling ko napaka-mysterious niya, hindi siya nagsasalita, minsan kahit kinakausap mo na siya, magbibigay siya ng one-word answer.

“Na-break lang nu’ng I ask him about golf (paboritong sports ni Zanjoe), and then he talked for about good twenty minutes, so he really likes golf, ha-ha-ha.  But I don’t play golf, but siguro nakaka-relate lang ako kasi there are sports that I like to spent time away from work just to for that dahil wala namang bayad mag-sports, di ba?  But it’s important to you kasi it’s passion.  

“So naka-relate ako na ‘yung love niya for golf is like my love for racing.  Pero later on dahil din sa mga nangyayari sa mga eksena, nagkukuwento na rin kami kung paano kami nakaka-relate sa character, ‘tapos naging last day, that’s what I felt the closes to him and then nu’ng natapos ‘yung movie, instant sepanx kasi nanghinayang ako ng konti kasi kung kailan patapos na doon pa kami naging tight,” kuwento ni Rhian tungkol kay Zanjoe.

Samantala, umaasa si Rhian na maraming makaka-relate sa Fall Back kapag napanood na  dahil siya mismo ay naka-relate kaya malapit sa kanya ang kuwento ng pelikula na mapapanood na sa Nobyembre 15 mula sa Cineko Productions, Inc., distributed ng Star Cinema sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.