Huling toma na pala ng isang security guard ang maghapon niyang pakikipag-inuman matapos na hindi na siya magising sa silya kung saan siya napaidlip dahil sa sobrang kalasingan nitong Sabado ng umaga, sa Valenzuela City.

Hindi na nadala pa sa ospital si Charlito Vergara, 53, stay-in sa Artes Textile Mills, Inc. na matatagpuan sa A. Mariano Street, Bisalao, Barangay Bagbaguin, at hinihinalang inatake sa puso.

Ayon sa report, bandang 10:00 ng umaga nang nadiskubre ng anak ni Vergara na si Charlie na wala nang buhay ang ama habang natutulog sa silya sa loob ng binabantanyan nitong establisyemento.

Humingi ng tulong si Charlie at kaagad na ipinagbigay-alam sa pulisya ang pangyayari.

National

Unang oil price hike sa 2025, maaaring sumipa sa susunod na linggo

Bago ang insidente, nakipag-inuman umano si Charlito sa kanyang mga kaibigan sa loob ng compound simula 2:00 ng hapon hanggang 11:00 ng gabi.

Sa pagsusuri ng Scene on the Crime Operation (SOCO), walang palatandaan na pinaslang ang biktima dahil wala naman itong sugat.

Wala namang alam ang pamilya ni Charlito na may karamdaman ito sa puso. - Orly L. Barcala