May panibagong bugso ng oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng Department of Energy (DoE), posibleng tumaas ng 90 sentimos ang kada litro ng gasolina, 80 sentimos sa kerosene, at 65 sentimos naman sa diesel.

Ang nagbabadyang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa datos ng DoE, naglalaro ang bentahan ng gasolina sa P41.40 hanggang P51.50 kada litro, habang P30.40-P39.10 naman sa diesel.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Oktubre 31 huling nagtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis—sa pangunguna ng Flying V, Shell, Petron at Seaoil—ng 45 sentimos sa kada litro ng kerosene at 25 sentimos naman sa gasolina at diesel. - Bella Gamotea