Manila, Philippines - TULUYANG sinibak ng Far Eastern University sa labanan sa Final Four ang University of the East matapos ang 79-63 panalo kahapon sa UAAP Season 80 men’s basketball second round elimination sa Smart Araneta Coliseum.

Ratsada sina Arvin Tolentino, nagdiwang ng kanyang ika-21 kaarawan, Prince Orizu at Jasper Parker sa krusyal na sandali para mailayo ang iskor mula sa 49-pagtabla sa third period.

NATAKPANG ng bola ang mukha ng NU Bulldogs player nang kumawala sa kamay ni Ben Mbala sa mintis na tira sa kainitan ng kanilang laro nitong Sabado sa UAAP Season 80 men’s basketball. (MB photo | RIO DELUVIO)
NATAKPANG ng bola ang mukha ng NU Bulldogs player nang kumawala sa kamay ni Ben Mbala sa mintis na tira sa kainitan ng kanilang laro nitong Sabado sa UAAP Season 80 men’s basketball. (MB photo | RIO DELUVIO)
Nakumpleto ni Tolentino ang four-point play para ibigay sa Tamaraws ang 70-57 bentahe may 3:27 ang nalalabi sa laro, bago senelyuhan ni Parker ang panalo sa krusyal na opensa.

Bunsod ng panalo, nakuha ng Tamaraws ang solong kapit sa No.4 tangan ang 6-6 karta. Nakabuntot sa kanila ang UP Maroons, sumasabak sa Adamson, sa 5-6 marka.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Lagapak ang Red Warriors sa 3-10.

“After that loss to UP, we really needed this win. We need more wins in our remaining games but I think this is a good confidence booster for us going to the home stretch,” sambit ni FEU coach Olsen Racela.

“I’m just proud of the way they played in the second half. They didn’t have a good first half but the second half was much much better,” aniya.

Nagsalansan si Parker ng 18 puntos at walong assists, habang kumana si Prince Orizu ng 14 puntos at 13 rebounds.

Nanguna si Alvin Pasaol sa UE sa natipang 18 puntos.

Iskor:

FEU (79) – Parker 18, Orizu 14, Tolentino 10, Dennison 9, Trinidad 9, Cani 8, Tuffin 4, Escoto 3, Comboy 2, Bayquin 2, Inigo 0, Ebona 0, Ramirez 0.

UE (63) – Pasaol 18, Olayon 14, Maloles 8, Acuno 8, Manalang 7, Bartolome 4, Conner 4, Derige 0, Varilla 0, Cullar 0, Toribio 0, Abanto 0.

Quarterscores: 18-22; 29-33; 49-49; 79-63.