Ni REGGEE BONOAN

ISA kami sa mga nagbigay ng payo kay Direk Jason Paul Laxamana na hindi siya dapat pumapatol sa lahat ng pumuna sa pelikula niyang 100 Tula Para kay Stella na ipinalabas kamakailan.

Maganda ang pelikulang pinagbidahan nina JC Santos at Bela Padilla pero siyempre may kanya-kanyang opinyon ang paying audience kaya nagbibigay sila ng komento tungkol sa pelikula na hindi nagustuhan ni Direk Jason Paul kaya isa-isa niyang pinagsasagot ang mga hindi umayon sa pelikula niya, at hindi ito nagustuhan ng netizens.

Direk Jason
Direk Jason
Kaya sa muling pagharap ni Direk Jason Paul sa entertainment press para sa latest movie niyang Fall Back mula sa Cineco Productions, Inc. na ire-release ng Star Cinema (mapapanood na sa Nobyembre 15) ay kinausap namin siya ng sarilinan tungkol sa pinagdaanan niyang isyu.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang katwiran ni Direk JP, lumaki ang pagsasagot niya sa mga kritiko niya dahil hindi niya naisip na public figure o kilala na pala siya.

“I never see myself as a public figure, eh, di ba ‘pag hindi ka naman sikat hindi ka naman pinapansin, parang you’re free to comment.  Kung baga, if I was a nobody at sumagot ako wala naman pakialam ang tao, pero since sumagot ako naging mismatch lang.

“They saw me as a public figure and hindi naman nagsi-sink in sa akin na public figure ako kaya I felt na, ginagawa rin ng iba, eh, di gagawin ko rin,” paliwanag ni Direk Jason Paul.

Pero nang dumami na nang husto ang pumuna o nag-bash sa kanya ay, “Huminto na ako, more of I ignore na lang, maraming nagpayo naman, may nagsabing mag-lie low ako, na huwag nang sumagot, meron namang nagsabing, ‘okay ‘yan, okay ‘yang ginagawa mo’ so mix naman from a different opinions lang talaga ng mga tao,” sabi ng bagong box officer director.

At kung sakaling may pumuna na ulit ng mga pelikula niya, “Mas in-embrace ko na public figure ako so I should watch my words siguro.  Hindi kasi ako mahilig magpaka-showbiz, so ngayong nandito na ako sa ganitong industry, I should adjust. Kung baga, I may not agree with them, sasarilinin ko na lang lahat ng sasabihin.

Nasaktan ba ang Fall Bak director sa mga komentong ‘lumaki na ang ulo niya, mayabang na?’

“Hindi naman kasi I know myself and the people close to me who I really am,” mabilis na sagot sa  ni Direk Jason Paul. “Sabi rin naman ni Ms. Tetchie (Agbayani) na may mga naririnig din siya pero once na nakilala at nakatrabaho na nila ako, they would see who I really am.”

Ang mga nagawang pelikula ni Direk Jason Paul Laxamana ay ang Love is Blind (Regal Films), Third Party (Star Cinema), Pwera Usog (Regal Films), 100 Tula Para kay Stella (Viva Films) at indie films tulad ng Mercury is Mine mula sa Cinema One Originals.

Halos lahat ng pelikulang nabanggit ay si Direk JP ang nagsulat maliban sa Third Party dahil kinomisyon siyang idirek ito.

At itong latest niyang Fall Back, siya mismo uli ang nagsulat, anung paggawa niya ng light romantic comedy.

Tulad din siya nina Direk Antoinette Jadaone at Sigrid Andrea Bernardo na gustong sila mismo ang nagsusulat ng script ng mga pelikula nilang ididirek nila.

“As much as possible kasi I’m also a writer so bakit sa iba pa, dagdag sahod din, ha-ha-ha, joke lang,” natawang sabi ng kausap namin. “I considered myself more na mas naunang maging writer kaysa maging direktor.”

At ang Third Party nina Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Sam Milby ay hindi siya ang nagsulat, “Okay lang naman sa akin (idirek) basta okay sa akin ang material. Dapat mag-work closely ‘yung writer at director para same ‘yung iniisip nila (idea).  Pero nagawa ko na ring magsulat na hindi ako ang nagdirek, ‘yung Too Cool To Be 4Gotten ‘yung kina Khalil (Ramos).  Kung baga expected na maiiba ‘yung vision ng direktor na maaring hindi ako agree, but I know my place kasi na at the end of the day, it’s the work of the director.  Hindi ako nag-agree sa ibang changes but I respect the director na siya ‘yung magdadala ng pelikula.”

Kung hindi nagustuhan ni Direk JP ang trabaho ng ibang direktor sa sinulat niyang script, nasasabi ba niya sa sarili na, ‘sana ako na lang nagdirek?’

“In a way, yes, pero madali naman akong mag-move on sa ganyan,” pag-amin niya.

Gusto ni Direk Jason Paul na siya rin ang nagsusulat ng script ng mga pelikula niya dahil bukod sa dagdag suweldo ay, “Para ma-control ko rin ‘yung mga gusto kong mangyari.”

Tambak ang nakalinyang pelikula na gagawin si Direk JP mula sa iba’t ibang movie outfits pero priority niya ang Star Cinema dahil may kontrata siyang 5 years at 5 movies, “one movie a year or kung ano ang mauna.”

Sa Regal Films naman ay hindi nakatali sa kontrata si Direk Jason Paul.

Anyway, ang mga artistang kasama sa Fall Back ay sina Zanjoe Marudo, Rhian Ramos, Daniel Matsunaga, Ricky Davao, Marlo Mortel, Cai Cortez at Ms. Tetchie Agbayani.