TUMIMBANG si Mexican WBC bantamweight champion Luis “Pantera” Nery ng 120 pounds samantalang si No. 12 Filipino contender Arthur ”King” Villanueva ay mas magaang sa 119 lbs. kaya tuloy ang kanilang 10-round non-title bout ngayon sa GasMart Arena sa Tijuana, Mexico.

Naging kontrobersiyal si Nery nang matamo ang WBC bantamweight title sa pagpapatigil sa 4th round noong Agosto 15, 2017 sa matagal naging kampeon na si Shinsuke Yamanaka ng Japan pero nagpositibo siya sa ilegal na droga.

Nagpasiya ang WBC na hindi sinadya ni Nery ang paggamit ng bawal na gamot bago ang laban kaya iniutos na lamang ng samahan na magkaroon sila ng rematch ni Yamanaka.

Huli namang lumaban si Villanueva noong Setyembre 16, 2017 sa Cebu City nang mapatigil niya sa si dating world rated Richie Mepranum sa 4th round at gusto niyang muling lumaban para sa kampeonatong pandaigdig kaya pumayag sa non-title bout kay Nery.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord si Nery na perpektong 24 panalo, 18 sa knockouts, samantalang si Villanueva ay may kartadang 31-2-0 na may 17 pagwawagi sa knockouts. - Gilbert Espeña