Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Malugod na tinanggap ng Malacañang ang ulat na magdaragdag ng isa pang araw si United States President Donald Trump upang manatili sa Pilipinas ngayong buwan.

Ito ay matapos ianunsiyo ng White House na ang US President (POTUS) ay mananatili sa Pilipinas hanggang sa Nobyembre 14 upang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-East Asian Summit (EAS) sa nasabing petsa.

US President Donald Trump at First Lady Melania Trump
US President Donald Trump at First Lady Melania Trump
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ang mas matagal na pananatili ni Trump ay malugod na tinanggap at umaasa si Pangulong Duterte na makadaupang palad ang POTUS.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“The Palace welcomes the announcement of the White House that President Donald Trump would extend his stay in the Philippines to attend the East Asia Summit,” sabi ni Andanar sa panayam sa Radyo Pilipinas.

“The President looks forward to engaging President Trump in the productive dialogue at the ASEAN-US Commemorative Summit and the EAS,” dagdag niya.

Una nang sinabi ni Trump na hindi siya dadalo sa EAS na binubuo ng 10 ASEAN member states at partner countries gaya ng Australia, China, India, Japan, New Zealand, Russia, South Korea, at ng United States.

Gayunman, nitong Biyernes, sinabi ni Trump, na nakatakdang dumating sa Pilipinas mula Nobyembre 12-13, sa mga mamamahayag sa White House na magdadagdag pa siya ng isang araw upang manatili.

“We have a big conference, a second conference and I think we’re gonna have great success. We’ll be talking about trade. We’ll be talking about, obviously, North Korea.” sabi ni Trump.

Kinumpirma ng Malacañang noong Setyembre ang pagbisita ni Trump sa Pilipinas bilang parte ng POTUS’ five-nation swing sa Asya mula Nobyembre 3-15.

Bukod sa ‘Pinas, nakatakdang bumiyahe si Trump sa China, Japan, South Korea, at Vietnam upang talakayin ang nuclear threat ng North Korea.

MGA PAGHAHANDA

Samantala, sinabi ni Andanar na, sa pamamahala ng Pilinas 31st ASEAN Summit, nagsisikap sila upang maramdaman ng mga bisita ang mainit na pagsalubong ng Pilipino.

“The Philippines, as host, Chair of 31st ASEAN Summit and Related Meetings, is set to welcome all foreign leaders and delegates and to ensure that they would experience Filipino hospitality at its finest,” pahayag ni Andanar.

“Halos isang taon nang naghahanda ang ating National Organizing Committee, nagkaroon na tayo ng ating meeting nung first quarter of this year tapos nung 50th ASEAN, mid-year,” dagdag niya.

SEGURIDAD

Samantala, sinabi ni Andanar na hindi magiging problema ang seguridad at idinagdag na mayroong mga personnels na nakatakdang ipakalat upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at ng mga delegado sa idaraos na ASEAN Summit.

“It shouldn’t be a problem, security shouldn’t be a problem,” sambit ni Andanar.

“May napaghandaan the entire year. At since we are about to approach the culminating event of the 31st ASEAN, we will need to ensure the security of the ASEAN leaders plus the partnering countries,” dugtong niya.

Hiniling din ni Andanar sa publiko na makipagtulungan sa ikatatagumpay ng 31st ASEAN Summit.

MEETINGS

Ayon kay Andanar, mahigit 250 meetings ang idaraos sa Pilipinas sa pagho-host ng ASEAN Summit.

“Kung ano man ang mga kahihinatnan ng mga meetings na ‘yun (Whatever the outcome of the meetings will be), it will really keep the media up on its toes, mga pag-uusapan, issues natin sa buong mundo,” aniya.

“This is the perfect time for ASEAN and the other partnering countries to resolve all of the issues and resolve the still unresolved issues that must be resolved,” dagdag pa ni Andanar.