BUONG buwang namayagpag ang ABS-CBN nitong Oktubre sa paghahandog nito ng mga palabas na puno ng aral at mga makabuluhang balita batay sa tinamo nitong average audience share na 46% kumpara sa 33% ng GMA, ayon sa viswership survey data ng Kantar Media.

Patuloy pa ring nangunguna ang ABS-CBN sa lahat ng panig ng bansa. Sa Mega Manila, nakakuha ito ng average audience share na 36% kumpara sa 34% ng GMA; sa Metro Manila 41% laban sa 27% ng GMA; sa Total Luzon 43% kumpara sa 34% ng GMA; sa Total Visayas ay nagrehistro ng 53% at 28% ang GMA; at sa Total Mindanao ay pagtala naman ng 50% laban sa 33% ng GMA.

Napanatili ng FPJ’s Ang Probinsyano ang paghahari sa national TV ratings sa naitalang monthly average national TV rating na 39.9%. Sinusubaybayan ang lalong humihirap na misyon ni Cardo (Coco Martin) ngayong sanib-pwersa na ang mga kalaban.

Sa larangan ng pagbabalita, TV Patrol (34.4%) pa rin ang pinakatinutukang news program sa bansa noong Oktubre, kumpara sa 20.8% ng katapat na 24 Oras.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Patuloy ding tinututukan ang La Luna Sangre (33%) gabi-gabi at nanggulat sa mga manonood at pinag-uusapan nang husto sa social media ang rebelasyon ni Jacintha Magsaysay (Angel Locsin) bilang isang bampirang nagnanais mapatumba ang Supremo.

Hindi rin nagpadaig ang mga batang puno ng talento at madadamdaming mga kuwento sa Little Big Shots (31.3%) sa pangunguna nito tuwing Sabado at Linggo ng gabi.

Tinutukan at pinag-usapan din sa social media ang pagkamatay ni Ivy Aguas at pagkabuhay ni Lily Cruz (Maja Salvador) noong Oktubre, kaya humataw ang Wildflower (28.9%) sa national TV ratings.

Tinutukan din ang mga aral na hatid ng Wansapanataym (27.5%) at mga tunay na kuwento ng buhay ng letter senders ng MMK(27.1%).

Nagdala rin ng katatawanan sa bawat kabahayan ang Kapamilya shows na Home Sweetie Home (27.1%) at Goin’ Bulilit (24%) na pinagbibidahan ng child stars ng ABS-CBN.

Samantala, inabangan ang ABS-CBN sa lahat ng time block noong Oktubre, partikular ang primetime (6PM-12MN) na nakakuha ang Kapamilya Network ng average audience share na 50%, 21 na puntos ang lamang sa 31% ng GMA.

Tinutukan din ang ABS-CBN sa morning block (6AM-12NN) sa naitalang average audience share na 39% kumpara sa 32% ng GMA, sa noontime block (12NN-3PM) sa pagrehistro nito ng 47% laban sa 33% ng GMA, at sa afternoon block (3PM-6PM) sa pagtala nito ng 42% at tinalo ang GMA na may 39%.