Ni ROBERT R. REQUINTINA

PATULOY na umaani ng mga panalo ang Binibining Pilipinas beauties sa pagkakasungkit ni Miss Philippines Nelda Ibe sa 1st runner-up sa Miss Globe 2017 beauty pageant na ginanap sa Tirana, Albania nitong Biyernes.

Si Miss Vietnam Do Tran Khan Ngan ang kinoronahang Miss Globe 2017. Ang iba pang mga nagwagi ay sina Miss Serbia Elena Latypova, 2nd runner-up; Miss Albania Alessia Coku, 3rd runner-up; at Miss Cape Verde Simone Heijligers, 4th runner-up.

Nelda Ibe 
Nelda Ibe 
Nagtapos si Ibe, 23, ng Bachelor of Arts degree in English Literature sa Tarlac State University. Pagkatapos nito, naging cadet pilot siya sa Alpha Aviation Group. Natapos siya ang kanyang unang solo flight para sa kanyang private pilot license.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Being a pilot in a made-dominated profession gives me confidence and discipline. Flying taught me to be fearless and focused. These qualities inspired me to be where I am now,” aniya.

Ngayong taon, naging isa rin si Ibe sa co-hosts ni Willie Revillame sa Wowowin sa GMA-7. May karelasyon si Ibe sa kasalukuyan.

Noong 2014, nanalo si Ibe bilang 2nd Princess sa Miss World Philippines beauty contest na pinanalunan ng dating Eat Bulaga co-host na si Valerie Weigmann.

Ani Ibe, ang kanyang ina ang inspirasyon niya sa lahat ng kanyang ginagawa. 

“My mother gave birth to 10 children. From the eldest, I’m the sixth. So I really salute my mother. She’s been an inspiration for me. Lahat ng ginagawa ko para sa kanya. So I want to be like her. Pero ‘wag naman yung 10 children. I can’t do that.”

Pinuri ni Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) chair Stella M. Araneta si Ibe sa naiuwi nitong karangalan bilang 1st runner-up.

“Nelda showed grace and elegance befitting a proud Filipina, making her a true inspiration to women all over the world. BPCI is proud of you, and will continue to support you in your future endeavors,” ani Mrs. Araneta sa isang pahayag.

Si Anne Colis ang unang Pilipina na nagwagi sa Miss Globe crown noong 2015. Kamakailan, nasungkit din ng kapwa Binibining si Elizabeth Clenci ang 2nd runner-up sa Miss Grand International 2017 beauty contest na ginanap sa Vietnam.

Apat pang Binibini ang makikipagtunggali sa iba’t ibang pageants sa ibang bansa hanggang sa pagtatapos ng taon, si Mariel de Leon sa Miss International pageant sa Tokyo, Japan, sa Nobyembre 14; si Rachel Peters sa Miss Universe, sa Las Vegas, sa Nobyembre 26; si Chanel Olive Thomas sa Miss Supranational, sa Disyembre 1; at si Katarina Sonja Rodriguez sa Miss Intercontinental Disyembre 21.